Kinilala ni PNP-ASG Chief Supt. Andres Caro II ang Japanese national na si Yasuo Ishii, 71, may asawa, ng Chiba, Japan.
Sinabi ni Caro na habang nasa final check-in si Ishii ay kinakapkapan ito para sa isang security check pero nagbiro ang matandang Hapon na may bitbit siyang dalawang bomba kaya hindi muna ito pinasakay sa eroplano.
"I have two bombs," sabi ni Ishii sa frisker habang kinakapkapan siya nito.
Ang mga bagaheng dala ni Ishii ay kinalkal din ng PNP-ASG para alamin kung may bomba nga itong dala.
Sinabi ni Ishii na nagbibiro lamang siya dahil sa haba ng pila at inip.
Ayon kay Caro, si Ishii ay lumabag sa Presidential Decree 1727 kaya sasampahan ito ng kaso sa Pasay City Prosecutors Office. (Butch Quejada)