Pagpapalayas sa ret. generals di natuloy
February 11, 2006 | 12:00am
Hindi natuloy ang "pagpapalayas" sa mga retiradong heneral na overstaying na sa kanilang mga quarter sa Camp Aguinaldo kahapon matapos bigyan pa ng 3 araw na palugit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga dating opisyal.
Kahapon bandang alas-8 ng umaga ay sinimulang hakutin ng mga sundalo hg Headquarters and Headquarters Support Group ang mga gamit ni ret. Lt. Gen. Alberto Braganza, subalit biglang inihinto ng eviction team ang paghahakot sa mga kasangkapan ni Braganza matapos humirit pa ng hanggang Marso ang dating heneral para tuluyang lumisan sa quarter nito.
Gayunman hanggang Lunes na lamang ang ibinigay dito ni Camp Commander Brig. Gen. Jovenal Narcise.
Masama naman ang loob ni Braganza dahil hindi napagbigyan ang hinihingi niyang palugit na isang buwan. "I was your camp commander once. I did not treat you like this," galit na sinabi ni Braganza sa eviction team kahapon. Si Braganza ay nagretiro bilang AFP Southcom chief noong Setyembre 2005.
Sinabi ni Braganza na sa kasalukuyan ay wala pa siyang malilipatan dahil ang tahanan niya sa Roxas District, Quezon City ay inookupa ng pamilya ng kanyang anak.
Nabatid na hindi pa nakakapag-impake ng kanilang mga kagamitan sina Braganza ng dumating ang eviction team at 6-wheeler truck.
Maliban kay Braganza ay pinaaalis na rin sa kanilang mga quarter sina ret. Major Gen. Efren Orbon at ret. Brig. Gen Ramon Santos.
Sa patakaran ng AFP, sinumang nagretirong opisyal ay binibigyan ng 60 araw para lisanin ang kanilang quarter sa loob ng kampo ng militar. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended