Imelda pinayagan ng korte na magpagamot ng mata sa abroad
February 10, 2006 | 12:00am
Pinayagan kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) si dating Unang Ginang Imelda Marcos na magtungo sa ibang bansa upang magpagamot ng kanyang mata. Sa kautusan ni RTC branch 6 Judge Silvino Pampilo, Jr. pinagbigyan nitong magtungo sa Hong Kong at China si Marcos mula Pebrero 9- 21, 2006. Aabot sa P320,000 travel bond ang kailangang ilagak ni Marcos para sa nakabinbing kaso na kinakaharap nito. Ang pagpayag ng korte sa mosyon ni Marcos ay base na rin sa paggalang sa kanyang karapatan at para sa "humanitarian reason".
Nabatid na ang Unang Ginang ay nakararanas ng pananakit ng tuhod kaya humiling ito sa korte na makapagpagamot sa ibang bansa base na rin sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor. (Gemma Amargo-Garcia)
Nabatid na ang Unang Ginang ay nakararanas ng pananakit ng tuhod kaya humiling ito sa korte na makapagpagamot sa ibang bansa base na rin sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor. (Gemma Amargo-Garcia)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended