^

Bansa

Imahe ni Pacquiao nadungisan

-
Pinanghihinayangan ni Gabriela Rep. Liza Maza na nabahiran ng kontrobersiya ang magandang imahe ng "Pambansang Kamao" na si Manny "Pacman" Pacquiao matapos biglang masangkot sa isang bawal na relasyon.

Kung ganap na magiging patas ang Marital Infidelity Bill ni Maza kung saan gagawing pantay ang parusa sa mga babae at lalaking nangangaliwa sa kanilang asawa, siguradong pasok dito si Pacquiao na aminadong nagka-anak sa isang Joanna Rose Bacosa noong 2003.

Ipinaalala ni Maza na sa ngayon ay isang role model at iniidolo hindi lamang ng kabataan, kundi pati ng mga ama at ina ng tahanan si Pacquiao kaya dapat nitong ayusin ang kinasasangkutang gusot. Marami rin anyang babae ang hindi makikisimpatiya sa sikat na boksingero kung pababayaan nito ang responsibilidad sa anak sa labas.

Sinabi ni Maza na maaari namang itama ni Pacquiao ang kanyang pagkakamali sa pamamagitan nang pagbibigay ng sustento sa bata.

Napaulat na nagkaroon ng one-night stand si Pacquiao kay Bacosa.

Gayunman, nais ni Pacman na ipa-DNA test muna ang bata bago niya ito bigyan ng sustento. (Malou Escudero)

vuukle comment

BACOSA

GABRIELA REP

GAYUNMAN

JOANNA ROSE BACOSA

LIZA MAZA

MALOU ESCUDERO

MARITAL INFIDELITY BILL

PACMAN

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with