Permit sa live show hihigpitan
February 8, 2006 | 12:00am
Maghihigpit na sa pagbibigay ng mga permit sa malalaking pagtitipon ang pulisya upang maiwasang maulit ang naganap na stampede sa Ultra na ikinasawi ng mahigit 70 katao at ikinasugat ng mahigit 300.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief director Vidal Querol, kinakailangan munang humingi ng permit sa pulisya ang mga organizer ng anumang mga live show o concert na inaasahan ang malalaking crowd bago sila makakuha ng permit sa local government.
Pero bago nila bigyan ng kaukulang permit ang isang organizer ay kinakailangan munang makumbinsi ang pulisya kung paano ang gagawing security measure sa isang show halimbawang mahigit 20,000 katao ang dadagsa dito.
Bukod dito, kinakailangan ding dumalo sa seminar at planning na isasagawa ng pulisya ang mga organizer upang mabigyan ng paalala sakaling magkaroon ng hindi inaasahang kaguluhan katulad ng stampede.
Kung maaaprubahan ang permit ay saka lang puwedeng mag-apply ang organizer sa local government at pamunuan ng MMDA na siyang mangangasiwa sa daloy ng trapiko. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended