Mananagot ako Gabby
February 8, 2006 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni ABS-CBN president Eugenio "Gabby" Lopez III na handa niyang panagutan ang naging pagkukulang ng pinamumunuan niyang network sa naganap na stampede sa Ultra na ikinasawi ng mahigit 70 katao at walang mangyayaring "whitewash" sa kaso.
Ayon kay Lopez, handa silang makasuhan ang mga taong sangkot sa insidente upang magsilbing aral sa mga event organizer na maging maingat at paghandaan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Sa isinagawang final investigation report ng DILG fact-finding Task Force Ultra kahapon, lumilitaw na nagpabaya ang mga organizer ng popular na noontime show na Wowowee at natrato umanong "parang hayop" ang libo-libong pumila sa Ultra noong Sabado.
Apat na opisyal ng programa ang posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide na pinaniniwalaang sina Malou Almaden, production manager; Rene Luspo, chief security; Mel Feliciano, floor director at Rey Cayabyab, program staff dahil ang mga ito ay nasa lugar ilang minuto bago maganap ang insidente.
Ayon kay DILG Undersecretary for Peace and Order Marius Corpus, lumilitaw sa fact-finding investigation na ang naganap na insidente ay nagbunsod matapos ianunsiyo ni Feliciano na 300 participants lang ang puwedeng manalo ng premyo na dahilan kung bakit nagkaroon ng stampede sa Ultra.
Batay sa nakalap na statement mula sa mga nakaligtas na biktima sa insidente, nagsalita si Feliciano sa megaphone na 300 lang ang puwedeng ma-accomodate at may tsansang manalo ng mga papremyo.
"This announcement sent a wrong signal from the throngs of crowd which eventually led to a mad rush until the gate of the Ultra manned by the security guards was force to open due to the unruly crowd who wanted to enter premises," pahayag ng report.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na talagang kulang sa security plan sa anumang scenario na magaganap ang security group ng ABS-CBN at binuo ang plano sa pamamagitan lamang ng mental at verbal preparations.
Wala rin umanong contingency plan ang ABS-CBN matapos mangyari ang stampede dahil matagal ang pagdating ng responde ng mga kinauukulan. Pasado-alas 7 na ng umaga dumating ang rescue at emergency team sa lugar na hindi dapat nangyari kung pinaghandaan ng mga opisyal ng network ang mga posibleng mangyari. Kung may contingency plan ang event organizer, lima hanggang pitong minuto lamang ang dapat na itagal ng pag-rescue sa mga biktima.
Nabatid na nang maganap ang insidente, tumawag muna si Almaden sa ABS-CBN head office bago nagpadala ng mga rescue at emergency ambulance at makipag-coordinate sa pulisya, MMDA, NDCC at Bureau of Fire Protection.
Sinabi ni Corpus na sobra ang ginawang exploitation at manipulation ng mga opisyal ng Wowowee sa premyo na kanilang ipamimigay sa anibersaryo ng program.
Ang resulta ng imbestigasyon ay dinala na sa Department of Justice (DOJ) na siyang sisiyasat sa criminal liability ng mga opisyal ng ABS-CBN at Wowowee.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended