Sinabi ni Ambassador Petronilo Garcia sa Cairo, nagpadala na ng consular team ang Pilipinas sa pangunguna ni Consul-General Sahid Glang sa Egyptian port ng Safaga para makipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa nawawalang mga Pinoy na sakay ng Egyptian ferry na Al-Salam Borracio 98 na may sakay na 1,400 pasahero mula sa Saudi Port ng Duba noong Pebrero 2 bandang alas-7 ng gabi patungong Safaga, Egypt.
Nakikipag-koordinasyon na rin ang ating mga opisyal sa Kingdom of Saudi Arabia sa ginagawang search and rescue operations. (Ellen Fernando)