Rivas ilalantad ng AFP
February 7, 2006 | 12:00am
Ihaharap ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Capt. Candelaria Rivas sa Quezon City-Regional Trial Court matapos maghain ng petisyon ang pamilya nito.
Siniguro ni AFP-PIO chief Col. Tristan Kison na dadalhin nila sa sala ni Judge Nita Tolentino-Jinilo si Rivas matapos maghain ng petisyon para sa habeas corpus ang ina ng dating spokesman ng Judge Advocates Generals Office (JAGO) na kasamang naaresto ni Oakwood mutineer Capt. Nicanor Faeldon noong Enero 27 sa Malabon.
Ayon kay Kison, naging mahigpit lamang sila sa mga dumadalaw kay Rivas kaugnay pa rin ng ipinapatupad nilang seguridad pero dahil humupa na ang tensyon ay maaari na nila itong ipakita sa pamilya.
Ibinulgar ng ilang opisyal ang pagkakaroon umano ng relasyon ni Rivas sa Magdalo hardcore leader na si Faeldon kaya sinibak ito sa serbisyo at isasalang sa General Court Martial.
Naaresto si Faeldon sa tinutuluyang bahay ni Rivas sa Tugatog, Malabon noong Enero 27 matapos na tumakas ang Magdalo soldier. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest