Puno, bagong DILG chief
February 6, 2006 | 12:00am
Hinirang kahapon ni Pangulong Arroyo si Antipolo Rep. Ronnie Puno bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) kapalit ni Angelo Reyes. Ang second batch ng pagbalasa sa Gabinete ay kinumpirma kahapon ni Executive Sec. Eduardo Ermita kasunod ng paglagay kay Reyes sa DENR kapalit ni Mike Defensor. Itinalaga rin bilang bagong kalihim ng Department of Budget and Management si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya. Sina Puno at Andaya ay kilalang kaalyado ni Pangulong Arroyo. Pinalitan ni Andaya si Sec. Romulo Neri na babalik naman sa NEDA. (Ellen Fernado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended