Senado umabuso sa kapangyarihan

Inakusahan ni Efren Villaseñor, Aksyon Sambayanan peasant leader at president ng P750,000 strong Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan (PKSMMN) ng pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan ang mga senador nang bigyan nito ng P1 budget ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) matapos na tumanggi sa PCGG Chairman Camilo Sabio na sagutin ang tanong nina Senator Joker Arroyo at Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Villaseñor, walang katotohanan ang impormasyong nakalap ng mga senador tungkol sa compromise agreement. Aniya, wala pa namang naganap na compromise agreement sa pagitan ng mga coconut farmers at ng grupo ni Danding Cojuangco.

Sinabi ni Villaseñor, na hindi rin umano sila dapat na sisihin kung nais na nilang makipagkasundo kay Danding Cojuangco dahil naaayon naman ito sa batas. Sa katunayan, ang compromise agreement ay isa lamang nilang paraan para sa ngayon upang magamit na ang coco levy ng kanilang sektor. Ang naturang isyu ay tinulugan lamang umano ng mga senador sa loob ng 18 walong taon. Sa kabila nito, binabawasan taun-taon ng senado ang budget ng Philippine Coconut Authority. (Doris Franche)

Show comments