Siyota ni Faeldon handang ma-court martial
January 30, 2006 | 12:00am
Handa umanong ma-court martial ang girlfriend nang nahuling puganteng si Magdalo leader Marine Capt. Nicanor Faeldon, itoy matapos na ipag-utos ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga na ipatupad ang "full force of the law" laban kay Faeldon at sa sinibak na nobya nitong si Capt. Candelaria "Candy" Rivas, isa mga coddlers ni Faeldon.
Si Rivas na isang military prosecutor at tumatayong spokesman ng Judge Advocate General Office (JAGO) sa kaso ng mga lider at miyembro ng Magdalo Group ay isinailalim na sa technical arrest at isasalang din sa court martial. Kasalukuyan itong nasa "restricted custody" sa tanggapan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Sinabi ni AFP-PIO chief Col. Tristan Kison, bilang isang aktibong kasapi ng JAGO ay nahaharap ngayon si Rivas sa kasong paglabag sa Articles of War (AW) 96 o conduct unbecoming an officer and a gentleman, AW 97 conduct prejudicial to good order and military discipline, paglabag sa Code of Ethical Standard, accessory to the crime of coup de etat sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabag sa Ethics of Legal Profession.
Ang nasabing mga paglabag ayon kay Kison ay sapat ng batayan para isalang rin sa General Court Martial (GCM) si Rivas at matapos na masibak ay sisimulan na ang proseso ng imbestigasyon sa pagpapatalsik dito sa serbisyo.
Tuluyan na ring makakansela ang lisensiya ni Rivas bilang isang practicing lawyer ng JAGO.
Nabatid na si Rivas ay girlfriend ni Faeldon kahit hindi pa annul ang kasal ng huli sa kanyang asawa kung saan isa ang una sa tumatayong abogado.
Nang dahil sa pag-ibig ay nahulog si Faeldon sa bitag ng ISAFP operatives at pulisya noong nakalipas na Biyernes ng gabi sa Bgy. Tugatog, Malabon matapos isailalim sa surveillance operations si Rivas.
Nabatid na nabuo ang pag-iibigan sa pagitan nina Rivas at Faeldon matapos na isalang sa GCM si Faeldon at mga kasamahan nitong lider sa Magdalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest