^

Bansa

MMDA umalma na sa kuryente ng iskwater

-
Nagpasaklolo na sa pulisya at Meralco ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglobo ng electric bills na binabalikat ng kanilang ahensiya bunga ng mga ilegal na koneksiyon ng kuryente sa traffic lights, partikular sa ilang area sa lungsod ng Quezon at Makati.

Ayon kay MMDA Chairman Bayani Fernando, dapat papanagutin ang mga responsable sa pagsasabit ng electrical wires sa mismong traffic lights sa kanilang lugar.

Kinumpirma ni Fernando na umabot pa sa tripleng konsumo ng traffic lights, kumpara sa dating binabayaran ang konsumo sa kasalukuyan sa Metro Manila dulot ng pagkakabit ng ilegal na kuryente ng mga taong umiiwas sa pagbabayad sa Meralco.

Partikular na tinukoy ni Fernando ang may 350 pamilya ng squatter na naka-tap sa mga traffic lights ng MMDA sa Metropolitan Avenue, Pasong Tamo at Vito Cruz, Makati City.p

Kasunod ito ng isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng MMDA, Makati Police at kinatawan ng Meralco, kamakalawa kung saan naaktuhan ang mga linyang nakasabit sa traffic lights at radio battery outlets ng MMDA. Kaagad naman itong pinagtatanggal ng Meralco linemen at Traffic Engineering team.

Hiniling ni Fernando kay P/Supt. Ely Pintang, hepe ng Security Intelligence and Investigation Office (SIIO) na siyasatin ang nasabing ugat ng paglobo ng binabayaran ng MMDA sa mga traffic lights.

Maliban pa sa pamilyang mahihirap, may ilang negosyante ng commercial establishments na nagsasamantalang magnakaw ng kuryente sa traffic lights kaya pinag-aaralan na ang paghahain ng kaso laban sa may-ari nito.

Bukod sa Makati, rumehistro din ang konsumo sa kahabaan ng North Ave. at Mindanao Ave. na direktang nag-tap ang mga squatter families doon. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

ELY PINTANG

FERNANDO

LIGHTS

LUDY BERMUDO

MAKATI

MAKATI CITY

MERALCO

TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with