^

Bansa

Faeldon ‘pinatakas’ ng gf

- Nina Angie Dela Cruz, Rose Tamayo, Lilia Tolentino at Grace Amargo-Dela Cruz -
Iniimbestigahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang report na posibleng may kinalaman umano ang nobya ni Magdalo leader Marine Capt. Nicanor Faeldon sa pagkakatakas ng naturang sundalo.

Kasalukuyang pinipiga sa tactical interrogation si Faeldon at ang girlfriend nitong si Judge Advocates Generals Office (JAGO) spokesman Capt. Candy Rivas.

Si Faeldon ay nadakip ng mga kawagad ng AFP kasama si Capt. Rivas dakong 8:30 kamakalawa ng gabi sa Tugatog, Malabon. Naka-wig pa umano ito nang mahuli. Natiyempuhan umano si Faeldon habang sakay ng isang behikulo papasok sa gate ng hinihinalang safehouse nito sa Malabon.

Bago ang pagkakaaresto kay Faeldon ay sinundan ng operatiba si Rivas na unang sinundo ni Faeldon sa SM North Edsa sa 4th floor ng parking lot ng nasabing mall.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay tinutugaygayan sila ng operatiba hanggang sa Bgy. Tugatog, Malabon. Sinubukan pa umanong tumakas nina Faeldon ngunit nagawang masukol ang mga ito. Agad dinala ang dalawa sa headquarters at isinailalim sa isang interogasyon.

Napag-alaman na ang pagkakaaresto kay Faeldon ay bunga ng isinagawang surveillance ng ISAFP kay Rivas na ginawang "lead" ng mga operatiba para sa pagkakaaresto sa una.

Ayon kay AFP-PIO chief Col. Tristan Kison, kung mapapatunayang may kinalaman si Rivas sa pagkakatakas ng kanyang nobyong si Faeldon at ng iba pang Magdalo mutineers ay malamang na papanagutin din siya ng AFP sa harap ng military court body.

Nabatid na sinibak na si Rivas sa JAGO.

Tiniyak naman ng Malacañang na bibigyan ng isang makatarungang paglilitis si Faeldon.

Ang pangako ay ginawa ng Palasyo kasabay ng papuri ni Pangulong Arroyo sa AFP at iba pang units nito na responsable sa pagkakadakip kay Faeldon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, inaasahan ng Palasyo na makikipagtulungan si Faeldon para mabunyag kung sinu-sino ang mga financier at iba pang mga kakutsaba sa planong destabilisasyon sa administrasyong Arroyo.

"He will undergo a fair trial under due process. We are confident that the investigation will expose all shadowy cabals and financiers behind the destabilization," ani Bunye.

Umalma naman ang abogado ni Faeldon na si Atty. Ruel Pulido dahil hindi umano nabigyan ng due process ang kanyang kliyente makaraang maaresto.

Maituturing umanong labag sa karapatan ng nabanggit na sundalo ang isailalim sa interogasyon dahil sa kawalan ng abogado nito. Sinabi ni Pulido na dapat umanong respetuhin ang mga karapatan ni Faeldon bilang akusado kaya hindi muna dapat itong isinailalim sa isang interogasyon.

Ayon naman kay Justice Secretary Raul Gonzalez, walang dapat sisihin kundi si Pulido at hindi ang AFP dahil tungkulin anya ni Pulido na asistihan agad si Faeldon kahit pa hatinggabi ito naaresto.

Si Faeldon ay tumakas noong Dis. 14, 2005 habang dumadalo sa kanyang hearing sa Makati Regional Trial Court. Nitong Enero ay apat pang miyembro ng Magdalo ang pumuga sa kanilang detention cell sa Fort Bonifacio habang dalawa pa ang nag-AWOL.

Si Faeldon ay may patong na P100,000 sa kanyang ulo matapos ideklarang fugitive ng AFP at PNP kasama ng apat pang takas na Magdalo.

Isang linggo na umanong under surveillance si Faeldon sa naturang lugar.

Kamakailan ay nabunyag ang itinayo nitong website na www.pinoy. com sa Caloocan City. Nakasaad sa nasabing website na labas-masok si Faeldon sa Camp Aguinaldo at Western Command sa Palawan.

Umaasa ang AFP na bunsod ng pagkakahuli kay Faeldon, susunod na ring madarakip ang iba pa nitong kasamahang tumakas.

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CALOOCAN CITY

FAELDON

KAY

MAGDALO

MALABON

PULIDO

SI FAELDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with