Dahil dito, iminungkahi ng dalawang grupo na upang mapanatili ang suporta at tiwala sa pamahalaan ay dapat nang putulin ang pang-impluwensiya at ginagawang extortion activities ng mga government officials at mga kamag-anak nito sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaukulang kaso.
Gayundin ang muling pag-aaral mg mga binili at iginawad na government projects kasabay ng paglalagay ng mga device upang mapadali ang mga government transaction upang mapigilan ang ilang mga maimpluwensiyang tao na isagawa ito.
Ayon pa sa PDSP at Aksyon Sambayanan, nararapat din umanong dagdagan ang budget ng Office of the Ombudsman upang makaya nito na makakuha ng mga kuwalipikado at respetadong abogado, imbestigador at researcher. Makabubuting magpasa din ng legislation na nagbibigay ng karapatan sa Ombudsman na mamili ng mga private lawyers na kakatawan sa korte at pagbibigay ng insentibo sakaling manalo sa kaso. (Doris Franche)