Appointment ni Davide aprub sa PDSP

Pinaboran ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ang pagkakahirang kay dating chief Justice Hilario Davide bilang bagong Presidential Adviser for Electoral Reforms.

Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, chairperson ng PDSP, nararapat lamang ang appointment ni Davide dahil posibleng ito na rin ang maging senyales ng grupo para sa isang fundamental societal form. Sinabi ng PDSP na ang electoral reforms ang makakatulong sa bansa upang malagpasan ang kasalukuyang krisis na nararamdaman ng bawat Filipino.

Hinihiling din ng PDSP at Aksyong Sambayanan ang pagbibitiw ng lahat ng Comelec commissioners upang bigyang daan ang paglilinis ng ahensiya at maipatupad ang automation ng electoral system mula voter’s registration hanggang bilangan ng mga boto. (Ellen Fernando)

Show comments