^

Bansa

Malakas na estado, isinulong ng PDSP

-
Upang malampasan ang kasalukuyang krisis ng bansa, ipinahayag ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) at Aksiyon Sambayanan na kailangan ng lipunan ang isang malakas na estado at radikal na pagbabago.

Sa ginanap na press conference sa Hotel Rembrandt, sinabi ng PDSP na pinamumunuan ni National Security Adviser Norberto Gonzales na isang tunay na Pilipino at progresibong elemento ng mga social force ng bansa ang nararapat upang makamit ang tunay na "bagong Pilipinas".

Sinabi pa ni Gonzales na ang PDSP ay pabor sa pagbabago tungo sa parliamentary subalit tutol sa no-election proposal. Payag din silang mapalitan ang kasalukuyang gobyerno kung may maayos at magandang papalit subalit wala naman umanong lider na maaring pumalit kay Pangulong Arroyo kaya kailangan na lamang na magkaisa ang Filipino. Binanatan din ni Gonzales ang ilang pulitiko na pansariling layunin lamang ang iniisip at mga elitistang kumokontrol sa ekonomiya ng bansa. (Doris Franche)

vuukle comment

AKSIYON SAMBAYANAN

BINANATAN

DORIS FRANCHE

GONZALES

HOTEL REMBRANDT

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PANGULONG ARROYO

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

PAYAG

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with