Ito ang mariing banta kahapon ng YOUng sa isang press statement na ipinadala sa Defense Press Corps sa Camp Aguinaldo.
"Our research group has initially listed 47 highly corrupt generals in the AFP and PNP services. They are still in the active service and are known as Arroyo generals. They will pay a heavy price for defensing the profligate and highly corrupt Arroyo administration," ani Lt. Col. Alcantara, spokesman ng grupo.
Inakusahan nina Alcantara ang AFP na nakapagbubulsa umano ng P70 milyon kada linggo sa kumbersiyon ng AFP sa pamamagitan ng ghost deliveries sa mga kagamitang pandigma ng militar tulad ng mga bala, armas, quartermaster items atbp.
Sinabi ni Alcantara na lima sa mga kurakot na heneral ng AFP ay responsable sa pagbuhay muli sa mala-Gestapo na AFP-Counter Intelligence Group, isang elite unit na naatasang mag-espiya sa mga opisyal at sundalo na kumakalaban sa umanoy katiwalian ng administrasyon kaugnay ng pagkakabunyag ng Hello Garci scandal o ang malawakang dayaan noong 2004 national elections.
Ayon sa grupo, may 300 opisyal at kasapi ng AFP ang ngayoy nakikiisa at sumusuporta na sa kanilang grupo.
Idinagdag pa ng grupo na ang mga dismayadong opisyal ng ISAFP na ibig isalba ang organisasyon sa bahid ng pulitika ang mismong gumawa ng paraan upang mabulgar sa publiko ang kontrobersiyal na wiretap conversation.
Nagbabala pa ang grupo na may isang malaking kaganapang mangyayari laban sa gobyernong Arroyo at hindi sila titigil hanggat hindi ito napapatalsik. (Joy Cantos)