^

Bansa

47 kurakot, sipsip na generals sisingilin ng YOUng!

-
Sisingilin ng dugo ng YOU new generation (YOUng), isang nagpakilalang grupo ng mga dismayadong sundalo, ang 47 nangungurakot na mga general mula sa AFP at PNP na nasa kanilang talaan at diumano’y mga kilalang sipsip sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Ito ang mariing banta kahapon ng YOUng sa isang press statement na ipinadala sa Defense Press Corps sa Camp Aguinaldo.

"Our research group has initially listed 47 highly corrupt generals in the AFP and PNP services. They are still in the active service and are known as Arroyo generals. They will pay a heavy price for defensing the profligate and highly corrupt Arroyo administration," ani Lt. Col. Alcantara, spokesman ng grupo.

Inakusahan nina Alcantara ang AFP na nakapagbubulsa umano ng P70 milyon kada linggo sa kumbersiyon ng AFP sa pamamagitan ng ‘ghost deliveries’ sa mga kagamitang pandigma ng militar tulad ng mga bala, armas, quartermaster items atbp.

Sinabi ni Alcantara na lima sa mga kurakot na heneral ng AFP ay responsable sa pagbuhay muli sa mala-Gestapo na AFP-Counter Intelligence Group, isang elite unit na naatasang mag-espiya sa mga opisyal at sundalo na kumakalaban sa umano’y katiwalian ng administrasyon kaugnay ng pagkakabunyag ng Hello Garci scandal o ang malawakang dayaan noong 2004 national elections.

Ayon sa grupo, may 300 opisyal at kasapi ng AFP ang ngayo’y nakikiisa at sumusuporta na sa kanilang grupo.

Idinagdag pa ng grupo na ang mga dismayadong opisyal ng ISAFP na ibig isalba ang organisasyon sa bahid ng pulitika ang mismong gumawa ng paraan upang mabulgar sa publiko ang kontrobersiyal na wiretap conversation.

Nagbabala pa ang grupo na may isang malaking kaganapang mangyayari laban sa gobyernong Arroyo at hindi sila titigil hangga’t hindi ito napapatalsik. (Joy Cantos)

vuukle comment

AFP

AYON

CAMP AGUINALDO

COUNTER INTELLIGENCE GROUP

DEFENSE PRESS CORPS

GRUPO

HELLO GARCI

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with