^

Bansa

Superbody sa energy crisis pinamamadali

-
Kasunod ng muling pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, hiniling kahapon ng mga malalaking transport groups ang agarang paglikha ng isang ‘superbody’ na makakatulong upang lutasin ang patuloy na lumalalang suliranin sa enerhiya sa bansa.

Umapela ang transport groups sa Malacañang na ipatupad ang ipinalabas na executive order 474 para maisakatuparan ang ‘super body’ sa ilalim ng Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Roberto "Obet" Martin, Pangulo ng Pasang Masda na may kabuuang mahigit na 150 miyembro sa buong bansa na naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng EO 474 na mas kilala sa tawag na Philippine Strategic Oil, Gas, Energy Resources and Power Insfrastructure Office kung ipatutupad ito lalo na sa hanay ng transport group ng masang Pilipino.

Naniniwala ang Pasang Masda na ang pagkakabalam ng pagpapatupad ng energy super body ay nakakaapekto sa mabilis at epektibong pagsusulong ng mga proyektong pang-enerhiya ng pamahalaan.

"Sa aming hanay lubhang malaking kapakinabangan para sa transportasyon ang ipinalabas na ‘executive order dahil masosolusyunan na nila ang malaking problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at enerhiya sa bansa’, ani Martin sa panayam.

Malaki ang hinala ng transport group na ang posibilidad na may ilang may interes na grupo at indibidwal na maaring kumikita sa kasalukuyang sistema ang siyang nasa likod ng mga pagkilos upang mapigil ang pagpapatupad ng executive order. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY RESOURCES AND POWER INSFRASTRUCTURE OFFICE

KASUNOD

LUDY BERMUDO

MALACA

MALAKI

NANINIWALA

OBET

PASANG MASDA

PHILIPPINE STRATEGIC OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with