Work-abroad-now, pay-later assistance plan inilunsad ni Mayor Ping sa Montalban

MONTALBAN, Rizal – Matapos mailunsad ang matagumpay niyang proyektong One-Stop Public Service Center (OPSC), may ilulunsad na naman si Mayor Ping S. Cuerpo na maituturing na una sa buong bansa, particular na ang programang financial assistance sa kanyang mga kinasasakupan upang makakuha ng trabaho sa abroad.

"This is some sort of a work-abroad-now, pay-later livelihood assistance to my constituents," wika ni Cuerpo.

At upang lalong pag-ibayuhin ang galing ng kanyang workforce o manpower pool ng mga nagnanais makakuha ng trabaho sa ibang bansa, ipinaliwanag pa ni Mayor Cuerpo na magtatayo sila ng mga komite na siyang magsasanay sa mga ito upang makabuo ng quality workforce.

"Our overseas contract workers (OCW) who are also known as "Mga Buhay na Bayani" have been fuelling the country’s economic growth for so many years now and that’s the main reason why we are highly supportive and happy that we are now embarking on this unique program," dagdag pa ni Cuerpo.

Hindi na rin mahihirapan ang mga nagnanais mag-apply abroad dahil nariyan ang OPSC na tumatanggap ng pagpoproseso ng authenticated NSO birth/marriage certificates, NBI clearance at passport processing simula ngayong araw.

Show comments