Sinabi ni Sen. Pimentel, nakakaalarma ang muling pag-usbong ng kidnapping incident kung saan ang pinakahuling biktima ay ang Fil-Chinese businessman na sina Jerry Chua at John Dee Tengco.
Binatikos din ni Pimentel ang PNP dahil sa pagyayabang nitong bumaba na ang kidnapping incident sa bansa gayung 2 Intsik ang huling naging biktima.
"I denounce the resurgence of kidnapping and murder cases. And I find the cover-up attempts of authorities deplorable," paliwanag pa ng senador.
Idinagdag pa nito, kalimitan sa mga Intsik na biktima ng kidnapping ay pinapalaya agad ng kanilang abductors matapos magbayad ng ransom sa kondisyon na huwag ding magrereport ang mga ito sa pulisya.
"Life is already hard as it is. But it is worsened by lack of adequate protection by government," giit pa ni Pimentel. (Rudy Andal)