^

Bansa

Anti-kidnapping campaign palakasin

-
Hiniling kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa mga awtoridad na muling paigtingin ang kanilang kampanya upang tuldukan ang muling operasyon ng kidnapping kung saan ay dalawang negosyanteng Intsik sa Binondo ang naging biktima ng kidnap-for-ransom group.

Sinabi ni Sen. Pimentel, nakakaalarma ang muling pag-usbong ng kidnapping incident kung saan ang pinakahuling biktima ay ang Fil-Chinese businessman na sina Jerry Chua at John Dee Tengco.

Binatikos din ni Pimentel ang PNP dahil sa pagyayabang nitong bumaba na ang kidnapping incident sa bansa gayung 2 Intsik ang huling naging biktima.

"I denounce the resurgence of kidnapping and murder cases. And I find the cover-up attempts of authorities deplorable," paliwanag pa ng senador.

Idinagdag pa nito, kalimitan sa mga Intsik na biktima ng kidnapping ay pinapalaya agad ng kanilang abductors matapos magbayad ng ransom sa kondisyon na huwag ding magrereport ang mga ito sa pulisya.

"Life is already hard as it is. But it is worsened by lack of adequate protection by government," giit pa ni Pimentel. (Rudy Andal)

vuukle comment

BINATIKOS

BINONDO

FIL-CHINESE

HINILING

IDINAGDAG

INTSIK

JERRY CHUA

JOHN DEE TENGCO

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with