Ayon kay Usec. Anselmo Avenido Jr., PDEA director general na ang mga nasabing equipment ay mula sa mga sinalakay na shabu laboratory sa lugar ng Meycauayan, Bulacan; Multinational Village, Parañaque City; Manggahan, Pasig City; Sct. Chuatoco, Quezon City at San Juan, Metro Manila.
Sinabi ni Avenido na tuluyan na nilang sinira ang kanilang mga hawak na ebidensiya batay na rin sa kautusan ng korte matapos na ang mga ito ay mapatunayang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu.
Ipinaliwanag ni Avenido na ang pagsunog sa mga kagamitan ay pagpapakita sa publiko na sinsero ang PDEA na buwagin at maalis nang tuluyan sa bansa ang mga shabu laboratory maging ang pagre-recycle nito.
Aniya, ang shabu ay isa sa mga sinasabing dahilan ng paglala ng krimen sa bansa kung kayat dapat lamang na malipol upang maiwasan na ang mga kriminalidad sa bansa.
Tiniyak naman ni Avenido na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang mga operasyon laban sa mga manufacturer at mga nagtatayo ng shabu laboratory. (Doris Franche)