^

Bansa

Nakumpiskang ebidensiya ng PDEA sinunog

-
Sinunog na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ebidensiya na kanilang nakumpiska sa ilang pagsalakay sa Metro Manila, kahapon ng umaga sa PDEA Compound, NIA Northside, National Government Center sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Ayon kay Usec. Anselmo Avenido Jr., PDEA director general na ang mga nasabing equipment ay mula sa mga sinalakay na shabu laboratory sa lugar ng Meycauayan, Bulacan; Multinational Village, Parañaque City; Manggahan, Pasig City; Sct. Chuatoco, Quezon City at San Juan, Metro Manila.

Sinabi ni Avenido na tuluyan na nilang sinira ang kanilang mga hawak na ebidensiya batay na rin sa kautusan ng korte matapos na ang mga ito ay mapatunayang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu.

Ipinaliwanag ni Avenido na ang pagsunog sa mga kagamitan ay pagpapakita sa publiko na sinsero ang PDEA na buwagin at maalis nang tuluyan sa bansa ang mga shabu laboratory maging ang pagre-recycle nito.

Aniya, ang shabu ay isa sa mga sinasabing dahilan ng paglala ng krimen sa bansa kung kaya’t dapat lamang na malipol upang maiwasan na ang mga kriminalidad sa bansa.

Tiniyak naman ni Avenido na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang mga operasyon laban sa mga manufacturer at mga nagtatayo ng shabu laboratory. (Doris Franche)

ANSELMO AVENIDO JR.

AVENIDO

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

METRO MANILA

MULTINATIONAL VILLAGE

NATIONAL GOVERNMENT CENTER

PASIG CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with