Ginawa ni Gen. Quevedo ang pag-amin sa kabila ng pagtanggi naman dito ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence (J2) Rear Admiral Tirso Danga sa pagdinig ng Senado hinggil sa Hello Garci tape.
"Our capability to wiretap is limited only to landline, but it should have a court order. It is illegal if you go beyond that," wika pa ni Quevedo.
Itinanggi naman ng heneral na may kakayahang bumili ang kanilang tanggapan ng mamahaling bugging device na kayang mag-intercept ng usapan sa cellular phones.
Hinamon naman ni Sen. Rodolfo Biazon si Pangulong Arroyo na bumuo ng independent commission upang imbestigahan ang Hello Garci controversy.
Sinabi ni Sen. Biazon, kung kaya ni PGMA na bumuo ng Citizens Consultative Commission para sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay kaya din itong gawin ng Pangulo para alamin ang katotohanan sa Hello Garci controversy. (Joy Cantos /Rudy Andal)