ISAFP umaming kayang mag-wiretap
January 21, 2006 | 12:00am
Inamin kahapon ni ISAFP chief Mariu Quevedo na mayroong kakayahan ang Intelligence Service of the AFP (ISAFP) na magsagawa ng wiretapping pero limitado umano ito sa mga landline telephone.
Ginawa ni Gen. Quevedo ang pag-amin sa kabila ng pagtanggi naman dito ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence (J2) Rear Admiral Tirso Danga sa pagdinig ng Senado hinggil sa Hello Garci tape.
"Our capability to wiretap is limited only to landline, but it should have a court order. It is illegal if you go beyond that," wika pa ni Quevedo.
Itinanggi naman ng heneral na may kakayahang bumili ang kanilang tanggapan ng mamahaling bugging device na kayang mag-intercept ng usapan sa cellular phones.
Hinamon naman ni Sen. Rodolfo Biazon si Pangulong Arroyo na bumuo ng independent commission upang imbestigahan ang Hello Garci controversy.
Sinabi ni Sen. Biazon, kung kaya ni PGMA na bumuo ng Citizens Consultative Commission para sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay kaya din itong gawin ng Pangulo para alamin ang katotohanan sa Hello Garci controversy. (Joy Cantos /Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am
January 3, 2025 - 12:00am