^

Bansa

4 US Marines litisin na sa korte — DOJ

-
Ipatutuloy na ng Department of Justice (DOJ) ang paglilitis sa apat na Amerikanong sundalo na sangkot sa Subic rape case.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, hihilingin na ng prosecution sa korte na masimulan na ang paglilitis laban sa apat na US Marines na kinabibilangan nina Chad Carpentier, Daniel Smith, Keith Silkwood at Dominic Duplantis.

Ipinaliwanag ni Gonzalez na maaari namang isailalim sa paglilitis ang mga nabanggit na Amerikano kahit pa wala sa gobyerno ang kustodiya nito o ang tinatawag na "trial in absencia".

Gayunman, tiniyak pa rin ng Kalihim na matatapos ang paglilitis sa loob ng isang taon kaya inaasahan na maipalalabas ang desisyon bago November 2006.

Binigyang-diin pa ni Gonzalez na makikipag-ugnayan din sila sa mga awtoridad ng US Embassy para magkaroon ng panibagong daan upang maresolba ang issue sa kustodiya ng mga akusado.

Inamin naman nito na walang magagawa ang gobyerno sa ngayon kundi ang sundin ang isinasaad sa probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Magugunita na inisnab ng US Embassy ang arrest warrant na ipinalabas ni Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Judge Renato Dilag makaraang magpadala na lamang ang una ng note verbale na nagsasaad na mananatili sa kustodiya ng embahada ang mga nabanggit na Amerikano.

Naghain na rin ng petition for review ang mga akusadong Amerikano kung saan hiniling ng mga ito na baliktarin ang unang desisyon ng Olongapo Prosecutor’s Office. (Grace dela Cruz)

AMERIKANO

CHAD CARPENTIER

DANIEL SMITH

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOMINIC DUPLANTIS

GONZALEZ

JUDGE RENATO DILAG

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KEITH SILKWOOD

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with