Arrest warrant vs. Dinky
January 21, 2006 | 12:00am
Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court laban kay dating DSWD Secretary Corazon "Dinky" Soliman kaugnay sa P20 milyong libel case na isinampa dito ni Alagad Party-list Rep. Rodante Marcoleta.
Nagdesisyon si Judge Rosanna Fe Maglaya na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Soliman makaraang ituloy ni Rep. Marcoleta ang kaso matapos hindi sila magkasundo sa ilang ulit na paghaharap ng mga ito sa QC Prosecutors Office.
Magugunita na kinasuhan ni Marcoleta si Soliman makaraang sabihin ng dating kalihim sa isang panayam na narinig niyang inutusan umano ni Pangulong Arroyo si Marcoleta na iendorso ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Oliver Lozano sa Kamara noong nakaraang taon.
Itinakda naman ni Judge Maglaya ang piyansang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Soliman sa sandaling isilbi na dito ang kanyang warrant of arrest. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended