Lozano humirit uli
January 20, 2006 | 12:00am
Sa paniwalang ang inihain niyang impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Arroyo ang magsisilbing solusyon sa lahat ng problema ng bansa na haharang sa napipintong coup d etat, general strikes at civil disobedience, umapela kahapon si Atty. Oliver Lozano kay House Speaker Jose de Venecia na irekonsidera ang inihain niyang reklamo.
Sa apat na pahinang liham ni Lozano kay Speaker de Venecia, sinabi nito na muli niyang inihahain ang ibinalik sa kanyang impeachment complaint ng tanggapan ni House Secretary General Roberto Nazareno at puwede aniya itong e-refer sa House Committee on Justice sa Hulyo 26, 2006.
"By way of Solomonic Solution, the Lozano-Opposition Amended Impeachment Complaint may be deemed re-filed now subject to referral to the Justice Committee on July 26, 2006," anang sulat ni Lozano.
Naniniwala si Lozano na valid pa rin ang inihain niyang impeachment complaint laban kay Arroyo kahit nauna na itong ibinasura ng Kamara noong nakaraang taon. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest