Sa halip na tumanggap ng regalo ay napagpasiyahan ni Gatchalian na siya ang magbigay at maghandog sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.
"Ginawa ko ito upang maibahagi ang natanggap kong biyaya noong nakaraang taon at bilang pasasalamat na rin sa patuloy na pagsuporta sa akin ng mga tao," pahayag pa ni Gatchalian na natalo noong tumakbo bilang kongresista sa 1st district ng Valenzuela laban kay Rep. Bobbit Carlos.
Isasagawa ang medical mission sa Brgy. Malanday at Dulong Tangke, Brgy. Malinta habang magkakaroon ng kasabay na feeding program sa Brgy. Bignay. Magsisimula ang medical mission at feeding program 8:00 ng umaga, Enero 20.
Magkakaroon muna ng fun run na magsisimula ng 6:00 ng umaga sa tapat ng PureGold upang mahikayat ang mga residente na mag-ehersisyo at maging malusog.