^

Bansa

Oposisyon biktima ng wiretapping

-
Lumabag sa batas ang mga miyembro ng MIG-21 ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) matapos na lumabas sa imbestigasyon na maraming personalidad sa oposisyon ang kanilang na wire-tapped bukod pa sa pag-uusap nina Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcilliano.

Sa recorded tape na ipinarinig sa Senate Committee on National Defense and Security na pinamunuan ni Sen. Rodolfo Biazon, kabilang sa mga na-wire tapped ng MIG-21 ay ang sekretarya ni dating Sen. Gregorio Honasan, na si Mira Dumlao, Ret. Maj/Gen Rodolfo Canieso, supporter naman ni Sen. Panfilo Lacson.

Ayon kay Sen. Juan Ponce Enrile, dapat ipatawag ng Senado ang mga ISAFP agents at managot ito dahil labag sa batas ang kanilang ginawang pag-wire tapped sa opisina ni Honasan.

Kinilala ni Marieta Santos, dating live-in partner ni T/Sgt. Vidal Doble ang mga nag-wire tapped na sina Doble at mga kasamahan nitong sina T/Sgts Belledo, Dave, Abanto, Velasco at isang alyas Pitatot pawang mga MIG-21 agents, na pinamumunuan ni Col. Pedro Sumayo.

Dumalo din si Honasan kasama si Dumlao, at kinilala nito ang kanilang boses na na-wire tapped ng grupo ng ISAFP. Kinilala naman ni Michael Angelo Zuce ang kanyang boses at maging ang tinig ni Garcilliano, at Pang. Gloria Arroyo.

Masama naman ang loob ni Canieso, sa pag-wire tapped sa kanya dahil isa na siyang sibilyan at walang karapatan ang mga ISAFP na i-wire tapped ang kanyang opisina. (RAndal)

vuukle comment

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLIANO

GEN RODOLFO CANIESO

GLORIA ARROYO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GREGORIO HONASAN

HONASAN

INTELLIGENCE SERVICE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JUAN PONCE ENRILE

KINILALA

MARIETA SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with