Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, na siyang may-akda ng resolusyon irerekomenda ng LOVFA ang pag-terminate ng VFA para magkaroon ng probisyon sa local na custody katulad ng Status of Similar Agreement (SOFA) na ginawa ng Japan at South Korea sa Estados Unidos.
Sinabi ni Santiago na ang exit provision ng VFA ay aabot ng 180 araw, bago pa ito talakayin at magkaroon ng panibagong negosasyon sa pagitan ng dalawang gobyerno.
"In order to make renegotiation obligatory to the US, we must first terminate the original VFA. The six month period between the issuance of termination notice to the US and the complete abbrogation of the VFA can be used to renegotiate another agreement with substantially similar provisions to the SOFA", ayon kay Santiago.
Sinabi naman ni Sen. Ralph Recto na isang tawag lang dapat ang gawin ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo kay US Pres. George W. Bush para makuha ang custody ng apat na sundalong kano na inakusahan ng panggagahasa sa isang 22-anyos na Pinay.
Aniya, dapat na patunayan ni Pang. Arroyo ang kanyang pagiging malapit kay Pang. Bush para maibigay sa custody natin ang apat.
Naniniwala din si Recto na hindi kukunsintihin ni Bush ang ganitong krimen ng kanyang kababayan. (Rudy Andal)