Sinabi ni House Minority Leader Francis Escudero, nagkakasundo ang mga miyembro ng oposisyon sa Kamara na huwag siputin ang nasabing pagpupulong na ipinatawag ng Malacañang.
Ayon kay Rep. Escudero, posibleng gamitin lamang sila ng Palasyo upang palabasin na nakikiisa na ang oposisyon sa mga gustong mangyari ng administrasyong Arroyo.
Ipinaliwanag naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., isang pagsasayang lamang ng oras sa kanilang hanay ang pagdalo sa nasabing Council of State Meeting.
Sa panig naman ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan, pag-iisipan pa niya kung sisiputin niya ang nasabing pulong kung saan ay isa rin siya sa mga miyembro. (Malou Rongalerios/Rudy Andal)