FVR, JDV 'wag makialam kay GMA
January 16, 2006 | 12:00am
Iginiit ni dating Congressman Mark Jimenez kahapon na sinuman kina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Speaker Joe De Venecia ay walang karapatang makisawsaw sa isyu ng termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
"Sino ba si FVR at sino ba si JDV para diktahan si Pangulong Arroyo kung hanggang kailan siya dapat manatili sa poder?" tanong ni Jimenez. "Tanging ang Sambayanang Pilipino ang puwedeng gumawa niyan.".
Ayon kay Jimenez, di puwedeng sapawan nina Ramos at De Venecia ang boses ng masa na kanilang inihayag sa eleksyon noong 2004. "Not even GMA can fix her own term because the Constitution, which expresses the will of the people, has already done that," paliwanag niya.
Idinagdag ni Jimenez na hindi dapat ituring nina FVR at JDV na nagsasalita sila para sa Sambayanang Pilipino, lalo pat sadsad rin naman ang kanilang public acceptancy rating o popularidad.
"They (FVR at JDV) should consult the people, either in a referendum or in a plebiscite.
But they should hold an honest referendum, and not try to manipulate the results to suit their own personal agenda, Sovereignty resides on the people," ani Jimenez.
Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na malaman ang mga tunay na isyu na kinakaharap ng bansa, sinabi ni Jimenez na ang kanyang itinatag na samahan, ang Nagkakaisa sa Diyos, Nagkakaisang Pilipino (One in God, One Filipino) ay maglulunsad ng information and educational drive.
Binigyang-diin ni Jimenez, na nagsasagawa sa kasalukuyan ng relief operations sa mga sinalanta ng baha sa Calapan, Oriental Mindoro, na mahalaga na malaman ng bawat Pilipino ang kanilang karapatan at obligasyon sa ilalim ng Konstitusyon at ng Lumikha.
"We must educate the Filipinos not just about their rights under our Constitution and laws, but also about their obligations as citizens. Only if we Filipinos are aware of our rights and obligations will we be able to create a strong, just and compassionate society under God and Nation," wika ni Jimenez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended