^

Bansa

Ex-police Rizal Alih balik 'Pinas, kalaboso sa Crame

-
Matapos ang 17-taong pagtatago sa batas kaugnay ng malagim na Camp Kawa-Kawa hostage-slay sa Zamboanga City, bagsak kalaboso ngayon sa Camp Crame ang nag-rebelyong dating pulis na si Rizal Alih.

Si Alih, ang renegade na Zamboanga City policeman ay dumating sa bansa kamakalawa ng gabi matapos ipa-deport ng mga awtoridad ng Malaysia pagkaraang makulong doon ng walong taon sa hiwalay na kasong illegal possession of firearms.

Ang 60-anyos na si Alih ay sising alipin sa kanyang nagawang krimen noong 1989 nang iharap ito kahapon ng mga opisyal ng pulisya sa mamamahayag.

"I’m very thankful they have allowed me to return to my family. I still want to live and be close to my 24 children," pahayag ni Alih sa mediamen.

Sinabi ni PNP Chief Director Gen. Arturo Lomibao na si Alih ay kanilang ikukulong sa detention cell ng Police Anti-Emergency Response (PACER) sa Camp Crame upang pagbayaran sa kanyang kasalanan.

Binigyang-diin pa ng PNP Chief na sinumang pulis na naligaw ng landas ay dapat lamang pagbayaran ang kasalanan na pantay-pantay nilang ipinatutupad maging mahirap man o mayaman ang sinumang indibidwal.

Magugunita na pinangunahan ni Alih ang grupo ng mga nagsipagaklas na pulis at sundalo sa pagsakop sa himpilan ng binuwag na Philippine Constabulary -Integrated National Police (PC-INP) Regional Command sa Camp Kawa-Kawa Boulevard sa Zamboanga City noong Enero 11, 1989. Sa nasabing insidente ay nasawi si Brig. Gen. Eduardo Batalla at Col. Uzman Amin.

Samantalang si Alih ay pinaniniwalaang napaslang kasama ng heneral at 18 iba pa sa pumalpak na rescue operations pero ang pagkakaaresto rito sa Sabah, Malaysia noong 1994 ay labis na gumulantang sa mga opisyal ng bansa. (Joy Cantos)

ALIH

ARTURO LOMIBAO

CAMP CRAME

CAMP KAWA-KAWA

CAMP KAWA-KAWA BOULEVARD

CHIEF DIRECTOR GEN

EDUARDO BATALLA

INTEGRATED NATIONAL POLICE

JOY CANTOS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with