PNP alerto sa Ati-atihan, Sinulog festival
January 15, 2006 | 12:00am
Inalerto kahapon ni Senator Manny Villar ang Philippine National Police (PNP) na panatilihin ang kaayusan sa mataong Ati-atihan festival sa Aklan at selebrasyon ng Sinulog sa Cebu upang maiwasan ang stampede o anumang kaguluhang mangyayari sa mga okasyong ito.
Sinabi ni Villar na sa nakaraang piyesta ng Nazareno sa Quiapo, Maynila nitong linggo, dalawang katao ang namatay samantalang marami pa ang nasugatan dahil sa nangyaring stampede.
Noong nakaraang taon naman, pitong pulis at isang sibilyan ang namatay habang mahigit 30 katao ang nasugatan sa naganap na shootout sa Ati-atihan festival sa Kalibo, Aklan.
"We should make sure that such tragedies would not happen again," ani Villar.
Matatandaan na inimbestigahan ng Senate committee on public order and illegal drugs na pinamumunuan ng senador ang naganap na shootout sa Kalibo kung saan inirekomenda ng komite ang pagrebyu ng sinusunod na guidelines at standards ng PNP sa pagkuha ng bagong pulis.
Pinuri naman ni Villar ang naging hakbang ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao na magpakalat ng karagdagang pulis sa gagawing ati-Atihan festival na nagsimula kahapon at ngayong araw sa Kalibo upang hindi na maulit ang insidente ng nakalipas na taon.
"I hope revelers will also be and orderly as they take part in the merry-making," anang senador. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest