Apela sa poll automation, basura sa Senado
January 15, 2006 | 12:00am
Malabong umusad ang poll automation program ng Commission on Elections matapos na ibasura ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang apela ni Comelec chairman Benjamin Abalos na magpatibay ng bagong batas para sa election modernization upang maawtorisahan ang pagbili ng P1 bilyong halaga ng automated counting machine (ACM) na gagamitin sa darating na senatorial at local elections at plebisito sa Charter change (Cha-cha).
Ayon kay Pimentel, hanggat hindi nagbibitiw sa puwesto si Abalos at ang mga komisyuner ay malabong umusad ang poll automation dahil sa umanoy pagka-inutil ng mga ito sa naganap na dayaan noong 2004 presidential elections.
Binigyang-diin ni Pimentel na bago umusad ang poll modernization plan, dapat munang magbitiw sa puwesto ang mga komisyuner ng Comelec at Abalos dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa anomalya sa biniling ACM noong 2003 na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.
"In my view, all top Comelec officials who were responsible for the tainted automation deal should be jailed first before we can talk of a new election modernization law," ani Pimentel. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended