^

Bansa

Apela sa poll automation, basura sa Senado

-
Malabong umusad ang poll automation program ng Commission on Elections matapos na ibasura ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang apela ni Comelec chairman Benjamin Abalos na magpatibay ng bagong batas para sa election modernization upang maawtorisahan ang pagbili ng P1 bilyong halaga ng automated counting machine (ACM) na gagamitin sa darating na senatorial at local elections at plebisito sa Charter change (Cha-cha).

Ayon kay Pimentel, hangga’t hindi nagbibitiw sa puwesto si Abalos at ang mga komisyuner ay malabong umusad ang poll automation dahil sa umano’y pagka-inutil ng mga ito sa naganap na dayaan noong 2004 presidential elections.

Binigyang-diin ni Pimentel na bago umusad ang poll modernization plan, dapat munang magbitiw sa puwesto ang mga komisyuner ng Comelec at Abalos dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa anomalya sa biniling ACM noong 2003 na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon.

"In my view, all top Comelec officials who were responsible for the tainted automation deal should be jailed first before we can talk of a new election modernization law," ani Pimentel. (Rudy Andal)

ABALOS

AYON

BENJAMIN ABALOS

BINIGYANG

COMELEC

MALABONG

PIMENTEL

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with