^

Bansa

Arrest team binuo vs GI Joes

-
Bumuo na ng grupo ang Olongapo court mula sa ilang piling ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsisilbi ng warrant of arrest laban sa apat na sundalong Amerikano na inakusahang nanghalay ng isang 22-anyos na Pinay noong Nob. 1, 2005 sa Subic Bay Freeport.

Inatasan ni Vice Executive Judge Renato J. Dilag ng Olongapo Regional Trial Court (RTC), Branch 73 si NBI officer-in-charge Nestor Mantaring na siyang bubuo ng "special arresting team" para manguna sa gagawing pag-aresto sa mga akusadong sina L/Cpls. Daniel Smith, Dominic Duplantis, Chad Brian Carpentier at Keith Silkwood.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado sa ilalim na rin ng batas ng Pilipinas para sa kasong rape. Isisilbi ang warrant sa mga akusado sa Lunes.

Ayon kay Dilag, napatunayang may "probable cause" ang kasong isinampang rape laban sa apat na akusado base sa mga ebidensyang iniharap at salaysay ng biktima at ng mga saksing sina Ma. Fe Castro, Noel Aguas Paule, Gerard Muyot at Tomas Corpus.

Nilinaw naman ni Dilag na hindi kasama sa aarestuhin ng NBI ang driver ng Starex van na si Timoteo Soriano Jr. dahil hindi umano siya isinama ng biktima at mga saksi sa sinampahan ng kasong rape.

Niliwanag ng korte na isinama lamang si Soriano ng prosekusyon bilang "co-conspirator" ng mga akusado dahil na rin sa pagbaligtad nito sa kanyang sinumpaang salaysay kaakibat ng intimidasyon at pisikal na pananakit sa kanya.

Aapela naman si Olongapo chief prosecutor Prudencio Jalandoni upang maisama si Soriano sa mga akusado.

"I can grant the matter of sovereignty and national pride has set-in this particular case. But in pursuing the normal legal process in the light of the provisions of the Visiting Forces Agreement (VFA) with the US government, I am in view that we can first try to exhaust diplomatic means to get custody of the four American servicemen. After all, we are civilized national and adhere to the tenets of international law. The strong arm of the law is not yet necessary at this point," ani Dilag sa kanyang press statement.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na si Foreign Affairs Usec. Rafael Seguis kay Justice Sec. Raul Gonzalez upang malaman ang mga alituntunin sa pagsisilbi ng warrant laban sa apat na sundalong Amerikano sa US Embassy. Ang mga kinatawan ng DFA, DOJ at NBI team ang siyang tutungo sa US Embassy na magsisilbi ng arrest warrant laban sa nasabing mga akusado sa pakikipag-koordinasyon sa mga opisyales ng US Embassy.

Gayunman, nilinaw ng DFA at DOJ na hindi nangangahulugan na ang pagpapalabas at pagsisilbi ng warrant ay maaari nang ipasa ng US Embassy sa pamahalaan ang kustodya ng apat na US servicemen.

Nakapaloob pa anila sa umiiral na VFA na maaaring hawakan ng US Embassy ang kustodya ng apat na akusado habang nililitis ang kanilang kaso na posibleng tumagal ng isang taon.

Gayunman, nakasisiguro si Gonzalez na ihaharap ang apat na akusado sa korte sa itinakdang arraignment sa kaso. (Jeff Tombado, Grace Dela Cruz at Ellen Fernando)

AKUSADO

AMERIKANO

CHAD BRIAN CARPENTIER

DANIEL SMITH

DILAG

DOMINIC DUPLANTIS

ELLEN FERNANDO

FE CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with