^

Bansa

4 Kano sa Subic rape aarestuhin

-
Olongapo City - Nakatakdang arestuhin ang apat na sundalong US Marines na sabit sa umano’y panghahalay sa isang 22-anyos na Pinay, ito’y kasunod ng ipapalabas ngayong araw na "warrant of arrest" ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73 laban sa mga akusado.

Ayon kay Vice Executive Judge Renato Dilag na siyang humahawak sa pagdinig, ibababa na nito ang arrest warrant ngayong araw para pormal na mailipat sa bansa ang kustodya nina L/Cpls. Daniel Smith, Dominic Duplantis, Chad Brian Carpentier at Keith Silkwood at maging sa driver ng van na si Timoteo Soriano Jr.

Sinabi ni Dilag na ang Philippine authorities ang siyang mangangasiwa sa pagsumite ng warrants laban sa mga akusado sa pamamagitan ng "proper channels".

Nakatakda rin dinggin ni Dilag ang isinampang mosyon ni Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni para sa gagawing paglipat ng kustodiya ng bansa sa apat na akusado mula sa mga kamay ng US Embassy officials na kasalukuyang nakadetine sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG).

Sa pahayag ni Jalandoni sa kanyang ini-akyat na mosyon sa sala ni Dilag, dapat umanong isailalim sa Philippine custody ang nasabing mga akusado dahil sakop ng bansa ang nangyaring panghahalay sa biktima na naganap sa dating Subic Bay Naval Base ng Subic Bay Freeport Zone.

Upang matiyak naman na nasa kustodya pa rin ng US Embassy ang apat na sundalo ay binisita kahapon ni Foreign Affairs Undersecretary Zosimo Paredes ang embahada.

Ayon kay Paredes, nangangayayat at mapuputla ang mga akusado nang kanyang makita sa loob ng embahada kahapon.

Nananatiling "restricted" sa kanilang quarters ang apat at hindi binibigyan ng "working role" taliwas sa ulat na malaya silang nakakagala sa loob.

Ang apat ay tumutuloy sa isang palapag na gusali na may tatlong higaan, isang lamesa, isang kusina at isang sala. (Jeff Tombado/Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

CHAD BRIAN CARPENTIER

DANIEL SMITH

DILAG

DOMINIC DUPLANTIS

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY ZOSIMO PAREDES

JEFF TOMBADO

KEITH SILKWOOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with