"Pananagutan ng SEC na protektahan ang mga stockholders, lalo na ang maliliit na kasosyo sa isang publicly listed na korporasyon, at ang pananagutang ito ay dapat tuparin ng komisyon bago maglaho ang puhunang inilagay ng mga stockholders sa kumpanya," pahayag ni Victor Africa, isa sa mga stockholders ng PHC mula pa noong 1978 nang ito ay tinatawag pang Liberty Mines Inc.
Sa kanyang sulat sa SEC, tinukoy ni Africa, presidente ng Philcomsat, na ang board of directors at pamamahala ng PHC na pinangungunahan ni Manuel Nieto Jr. bilang presidente ay "nananatili sa kanilang posisyon na walang mandate mula pa noong Mayo 2005.
Nagreklamo si Africa sa SEC matapos tanggihan ng grupo ni Nieto ang kanyang kahilingan na suriin ang mga libro ng kumpanya. "Hindi iginalang ang aking karapatan at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino at ano ang nasa likod ng mga kuwestyunableng gastusin at transaksiyon ng PHC," ayon kay Africa.
Ang pagkabigo na magsasagawa ng pagpupulong ay lalo pang pinabigat ng mga ulat pinansiyal na isinumite ng PHC sa Philippine Stock Exchange dahil sa mga malalaking halaga na ginugugol sa mga kahina-hinalang transaksiyon at ang paghina ng kondisyong pinansiyal ng kumpanya.