Abogado ng GSIS sinuspinde, kinatigan ng SC
January 11, 2006 | 12:00am
Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang ginawang pagsuspinde ng Government Service Insurance System (GSIS) sa isang abogado nito na nagsa-"sideline".
Sa desisyon ng SC First Division, naaayon ang 6-buwang suspensiyon na ipinataw kay Atty. Mario Molina matapos mapatunayang kinuha niyang mga kliyente sa kanyang private law firm ang mga empleyado ng GSIS na nahaharap sa kasong administratibo.
Sa argumento ng GSIS sa SC, binigyang-diin ng legal department nito na ipinagkanulo ni Molina ang tiwala ng ahensiya nang kunin niya bilang "paying clients" ang mga GSIS employees gayong binabayaran siya ng GSIS para ipagtanggol ito.
"As Attorney V of the GSIS Legal Services Group, Molina was clearly in a conflict of interest situation, he even bragged about getting paid for representing GSIS employees on top of his regular salary as a GSIS lawyer," pahayag ng GSIS.
Sa ilalim ng Memorandum Circular 15-Series of 1999 ng Civil Service Commission, pinagbabawalan ang mga empleyado ng gobyerno na pumasok sa isang private business or profession.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended