Sinabi ni Sec. Defensor, ang kanyang pagsusumite ng leave of absence sa DENR ay upang pagtuunan muna ang bago niyang trabaho bilang chief of staff ni PGMA.
Wika ni Defensor, magrerekomenda siya sa Pangulo ng puwedeng pansamantalang umako ng kanyang trabaho bilang DENR chief.
Nilinaw din ng kalihim kung nanaisin naman ni PGMA na manatili na lamang siya sa Malacañang bilang chief of staff ay irerespeto niya ang desisyong ito.
"Kahit saan naman tayo basta for national interest ay magtatrabaho ako," sabi pa ni Defensor. (Angie dela Cruz)