P1.2-B water projects ng LWUA
January 10, 2006 | 12:00am
Umabot sa P1.2 bilyong water improvement projects ang natapos ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa nakalipas na taon para magbigay ng ligtas na inuming tubig sa 250,000 residente.
Ayon kay LWUA Administrator Lorenzo Jamora, apatnaput dalawang water supply improvement projects ang kanilang naisagawa sa ibat ibang lalawigan sa taong 2005.
Sinabi ni Jamora, lima sa 42 improvement projects ay mga comprehensive improvement sa Binmaley at Lingayen sa Pangasinan, Pagsanjan, Laguna; Iriga City sa Camarines Sur; at Surigao del Norte.
Wika pa ng LWUA administrator, ang kanilang magandang performance sa pagpopondo at pagpapatupad ng mga proyekto sa tubig, pagpapaunlad sa water districts ay pagtitiyak ng pangmatagalang serbisyo sa tubig sa kanayunan bilang pagpapakita ng kahandaan ng ahensiya na gumanap bilang lead national government agency para sa provincial water supply.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended