Sinabi ni Sec. Gonzales, hindi puwedeng antalahin ng mga Amerikano ang pag-usad ng kaso upang maubos nila ang 1-year grace period para sa pagdinig ng rape case nito alinsunod sa VFA.
Nilinaw ni Gonzales sa kanyang ipinadalang memorandum kay Olongapo City Chief Prosecutor Prudencio Jalandoni na hindi kasama sa nabanggit na 1-year period ang mga panahon na maaantala ang paglilitis dahil sa hindi pagdalo ng mga akusadong Kano sa araw ng pagdinig.
"Neither shall it include any time during which, scheduled trial procedures are delayed because the US authorities, after timely notofication by the Philippine authorities to arrange for the presence of the accused, fail to do so," dagdag pa ng DOJ chief.
Ipinaalala pa ni Gonzales kay Prosecutor Jalandoni na ang 1-year period na itinakda ng VFA ay mula sa araw na mabasahan ng sakdal o arraignment ng mga US servicemen na inakusahang gumahasa sa isang Pinay sa Subic noong Nov. 1. (Grace dela Cruz)