^

Bansa

Whistle-blower sa PAF nagpapa-ampon sa Senado

-
Hiniling kahapon ni Air Force Col. Efren Daquil na ilipat siya sa custody ng Senado matapos madiskubreng minomonitor sa pamamagitan ng spy camera ang kanyang tinutuluyan sa Philippine Air Force (PAF) headquarters sa Villamor Air Base.

Sinabi ni Atty. Homobono Adaza, abugado ni Col. Daquil, nais ng kanyang kliyente na isailalim na lamang ito sa custody ng senate committee on national defense and security na pinamumunuan ni Sen. Rodolfo Biazon.

"He wants to be transferred to the custody of Sen. Biazon, he is willing to tell all but the PAF can stop him from testifying before the Senate, there is EO 464," wika pa ni Atty. Adaza.

Ipinaliwanag naman ni Sen. Biazon, hindi dapat sa kustodya ng Senado mapunta si Daquil dahil hindi pa naman ito nagiging witness o resource person ng kanyang komite.

Nilinaw pa ni Biazon, ayaw niyang maging hadlang sa imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa naging alegasyon ni Daquil sa liderato ng Air Force.

Bagkus ay nanawagan ang mambabatas kay Pangulong Arroyo na makialam na ito bilang commander-in-chief ng AFP para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa paratang ni Daquil. (Joy Cantos/Rudy Andal)

AIR FORCE

AIR FORCE COL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BIAZON

DAQUIL

EFREN DAQUIL

HOMOBONO ADAZA

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE AIR FORCE

RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with