Suplay ng tubig sa West Zone, bababa nang 20% mula Enero 10
January 8, 2006 | 12:00am
Isasara ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang tumatagas na bahagi ng 3,600-mm Aqueduct 5, ang isa sa mga aqueduct na naghahatid ng tubig mula sa Angat Dam tungong Metro Manila, mula Martes, Enero 10, 2006. Kasabay nito, isasagawa rin ang pagkakabit-kabit at pagbubukas ng Aqueduct 6, ang tubong magdurugtong sa Aqueduct 5 sa Tunnel 3 ng Ipo, Norzagaray, Bulacan. Ang mga proyektong ito ay inaasahang matatapos sa Sabado, Enero 14, 2006.
Sanhi nito, bababa mula 2,170 mld. (milyong litro kada araw) hanggang 1,800 mid, 0 15 hanggang 20 porsiyento ang tubig na tinutustos ng Maynilad sa West Zone sa loob ng 120 oras, mula 12:01 n.u., Martes, Enero 10, 2006 hanggang 12:01 n.u., Sabado, Enero 14, 2006.
Ang mga kostumer ng Maynilad na naninirahan sa matataas na bahagi ng West Zone ay makakaranas ng mahina hanggang kawalan ng tubig, partikular sa mga sumusunod na lugar: Lagro, Damong Maliit, Filinvest 1 at 2, Commonwealth, Gulod, Sta. Lucia, Forest Hills, San Bartolome, Payatas, Batasan Hills, Galas, Project 7, at 8, San Francisco del Monte at Quirino na pawang nasa Quezon City.
Llano, Bagong Barrio, UE Hills Subdivision at GSIS Hills Subdivision sa Caloocan, Dampalit sa Malabon, Sta. Quiteria, Gen. T. de Leon, Karuhatan, Pio Valenzuela, San Miguel Village at Malinta sa Valnzuela, Meycauayan at Obando sa Bulacan.
Sampaloc, Sta. Cruz, Binondo, Quiapo, Sta. Mesa, Pandacan at Paco sa Manila; Pasay city, Marcelo Village, Better Living, Sun Valley Subdivision, United Parañaque Subdivision, San Antonio Valley 10 at 11 at Baltao sa Parañaque, Pulang Lupa sa Las Piñas at Cavite.
Upang tugunan ang kakulangan sa tubig, magdidispatsa ang Maynilad ng mga mobile tanker sa mga apektadong lugar. Pinapayuhan ang mga apektadong konstumer na mag-imbak ng tubig na tatagal nang apat na araw. Maaari ring tumawag sa Maynilad Water Hotline 1626 o mag-text sa Smart 7001626 para sa schedule ng rasyon ng tubig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended