Ex-pulis nagtangkang tumalon sa Gotesco tower
January 8, 2006 | 12:00am
Tinangka ng isang dating pulis mula sa Bulacan na magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa commercial tower ng isang establisimyento sa Commonwealth, Quezon City.
Umabot ng dalawang oras bago tuluyang nailigtas mula sa pagtalon si PO2 Mark Santos, 32, umanoy dating pulis ng San Jose del Monte Bulacan.
Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsimulang umakyat sa nasabing commercial tower si Santos kung saan ipinanawagan nito gamit ang Liason Officer na si Rey Farinas na hanapin ang kanyang asawa na si Jacklyn Santos.
Ayon kay Farinas, iniwan si Santos ng kanyang misis noong Enero 3, 2006 bunga ng hindi pagkakaunawaan kung kayat ipinasya nitong umakyat sa tore ng Ever Gotesco na may taas na 200 ft.
Hiniling din ni Santos si Supt. Roberto Bondoc ng Southern Police District bukod sa kanyang misis.
Sa kabila ng paghikayat at pakiusap, hindi pa rin makumbinsi si Santos na bumaba kung kayat napilitan na ang bumbero ng Pasig City na gamitan ng hagdan upang makuha si Santos.
Nilibang ni Farinas si Santos hanggang sa mapansin nito ang papalapit na mga bumbero na naging dahilan ng pagkakaroon ng tensiyon.
Subalit naging maagap naman ang mga bumbero at barangay officials hanggang sa maposasan at makuha si Santos. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended