Hired killer sumuko
January 7, 2006 | 12:00am
Sumuko kahapon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang isa sa most wanted criminal sa Malabon at gunman ng aide ni Malabon Mayor Canuto "Tito" Oreta noong nakaraang Disyembre sa nasabing lungsod.
Kahapon ay iniharap ni Interior and Local Government Secretary Angelo Reyes si Danilo Villanueva, alyas Danny Toyo, ang bumaril at pumatay kay Romie Gamujan matapos na sumuko kay Chief Insp. Lyndon Torres, jailwarden ng Las Piñas City Jail kahapon.
Nilinaw ni Villanueva na minsan na siyang naging inmate sa Navotas Jail kung saan naging deputy warden naman si Torres kayat ipinasiya niyang dito na sumuko.
Lumilitaw na pinatay ni Villanueva si Gamujan matapos na iutos ng isang nagngangalang Amado Mendoza sa halagang P50,000. Nagkaroon umano ng alitan at kumpetisyon sina Gamujan at Mendoza hinggil sa ibat ibang uri ng illegal activities sa lungsod ng Malabon. Isang manhunt operation na rin ang isinasagawa ng pulisya laban kay Mendoza.
Bukod sa kasong naganap, nahaharap din sa kasong illegal drugs si Villanueva.
Matatandaan na naganap ang insidente noong Disyembre 15, 2005 sa panulukan ng Labahit at Hito Sts. Brgys. Longos, Malabon City. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest