Ayon kay PAF chief Lt. Gen. Jose Reyes, nasa high moral pa rin ang kanilang hanay sa kabila ng Dacquil expose na wala namang basehan kundi pagsisintimyento lamang matapos hindi makuha ang minimithi nitong puwesto.
Sinabi ni Lt. Gen. Reyes, bagamat mayroon silang dokumento na magpapatunay na nagamit ang P30-M fund sa sporting gear ng kanilang 16,000 na tauhan ay mas makakabuting isailalim sa auditing ang naturang pondo.
Nilinaw din ni Reyes na hindi siya nagbigay ng gag order kay Dacquil bagkus ay nais din nilang maging transparent ang gagawing imbestigasyon kaugnay sa alegasyon nito ukol sa P30-M fund.
Nauna rito, iniutos ni AFP chief of staff Generoso Senga na isailalim sa auditing ang kinukuwestiyong pondo na sinabi ni Dacquil ay napunta bilang P45,000 monthly special allowance ng mga heneral ng PAF.
Samantala, iginiit naman ng liderato ng AFP at PNP ang kanilang katapatan sa Konstitusyon sa gitna ng umanoy pagkakaroon ng alyansa ng tatlong dating lider ng bansa laban kay Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)